Filed under: Uncategorized
Hope Gang on the Loose
-By J to the P to the S to the P
Balitang Proyekto
Meron bulong bulungan dito sa proyekto tungkol sa isang Gang ng mga armadong bandido na umiikot ikot tuwing maghapon at gabi. Sila ang kilabot ng proyekto at ang pangalan nila ay ang *drum roll
Ang Mahiwagang Hope Gang
Wala dito sa proyekto ang hindi nakarinig na sa Gang na ito ngunit wala pang nakakakita sa malaahas na grupo na bigla nalang nawawala pag dating ng mga parak. Ayon sa barangay ang sikreto grupo na ito ay mahirap tambangan dahil sa bilis nilang dumating ganun rin sila kabilis umalis- parang bagyo.
Ngunit may nakuha akong insider information tungkol sa Hope Gang salamat sa aking alagad/maid/kusinera na mahilig makipagtsimisan sa bakla sa may parlor na pangalan ay Oskie na narinig nya daw na galing kay Aling Darya na narinig ni Aling Darya sa mga tambay sa Toda na pinasa pala nung nagbebenta ng balot sa may Labor hospital. At doon nagsimula ang kwento tungkol sa Hope Gang.
Ayon sa report ng aking tagywat(hindi ko kasi matagalog ang mole) ang Hope gang ang kinabubuuan ng dalawang batang sangano na tatuin, isang mama na mukhan tricycle driver at dalawang bading na mahilig daw manakal.

(Ang Hope Ice Pick and Hope Frying Pan in stores near you)
Ang kanilang weapon of choice ay ang mahiwagang hope Ice pick na ang pangalan ay nakakapagtaka. Bakit nga ba hope? Hindi rin alam nung tagyawat ko pero kailangan kung malaman kung bakit.
Nagtanong pa ako at nasabi ng aking insider na mahilig itarget ng Hope Gang ang computer shop na malapit saamin. Sinakal daw nung dalawang bading yung lalakeng nagbabantay tapos pinagsisipa nung dalawang bata ewan ko nalang ano ginawa nung Mama. Ang nakakapagtaka dito ay wala silang nakuha sa naturang establishamento. Bakit kaya?
Sadista lang ba talaga ang Hope gang o may iba pa silang rason?
Akin binukalkal pa ang tsismis na bumabalot sa Hope Gang at nalaman ko kay Oskie the snowoman na tatlong beses na pala dinumoog ng mga sangano yung computer shop.
Nakakagulat
Pero nalaman ko na rin sa wakas bakit Hope Gang- ito lamang ay dahil ang pinakaimportante nilang patakaran ay “Try and try again….. until dumating ang pulis”
Aming napagalaman na hindi pala makuha ng mga hoodlum ang computer dahil ito ay mabigat at iniisa isa nila araw araw ang mga parte, una ang mouse tapos an CPU tapos etc. Tumigil lamang ang mga gago nung nagkaroon na ng utak ang mga nagbabantay na magsumbong sa pulis.
(Ang naturang pangyayari ay hindi gawagawa at tuwirang katotohanan. The truth is stranger than fiction sabi ni Ripley nga ba?)
Seriously: Maginangat nalang pinapasok nila talaga ang mga bahay kahit sa umaga o hapon kaya wag iwan ang gate na nakabukas.
3 Comments so far
Leave a comment
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Seryoso ba yang news article mong yan? O biru-biro lang? hahaha
In any case good point don’t leave your gates open.
Comment by Chris July 13, 2008 @ 8:28 amHaha unfortunately totoo yan! kaya takot kami mag iwan ng bukas yng gate, pero iniiwan parin namin na bukas minsan
Comment by Pandabear July 13, 2008 @ 3:10 pmAno na balita sa Hope Gang? Na-aresto mo na ba? Anong bagong steps ang gagawin mo para di ka malooban?
Comment by Chris July 16, 2008 @ 3:18 pm